spyro_davao

Number of posts: 46 Registration date: 2007-06-06
 | Subject: Bata.....Bata pano ka ginawa Thu Jun 07, 2007 10:25 am | |
| Nagsimula daw ang buhay ko nung nagkita ang punla ng aking itay at ang itlog mula sa obaryo ni nanay....
Ang saya siguro ng pakiramdam ng dalawang magulang ko. Imagine, naging katuwang sila ng Diyos upang makapag luwal ng panibagong buhay? Palagay ko sila ay labis na nagmamahalan...
Bakit kaya paglipas ng dalawang buwan, naramdaman ko sumasama ang paligid ko? Hindi ko man marinig, nararamdaman ko ang panangis ni inay. Nasaan kaya si tatay sa mga sandaling ito? Hindi ba dapat magkatuwang sila sa panahon ng lumbay ni nanay? Subalit, may maliit na boses na pilit sumasagi sa munting isip ko, hindi kaya si tatay ang dahilan ng panangis ni nanay? Nasaan si lolo at si lola ko? Bakit hindi ko yata nararamdaman ang tuwa ni tito at tita ko? Hindi ba dapat may kaakibat na saya ang pagdating ko sa mundong ito?
Lumipas pa ang isang buwan ng pighati, naranasan ng aking murang puso kung paano masaktan mula sa kamay mismo ng aking magulang. Minumura nya ako sa kanyang isipan, ramdam na ramdam ko ang kanyang suklam. Ano nga ba ang aking sala? Masama pala ang maghangad na masilayan ko ang sikat ng araw, ang mayakap ng aking inay sa kanyang kandungan, ang mangarap na pagpalain ng kanyang dibdib ng buhay?...
Alam ng Diyos, sinubukan kong lumaban upang mabuhay. Nilabanan ko ang sakit sa katawan na dulot ng likido at gamot na ininom ng aking nanay. Sa bawat latay na dulot ng damo na bigay Aling Tinay, ni minsan magdamdam ay hindi pumasok sa aking isipan.
Ngunit, may hangganan din pala ang aking kakayahan. Wala akong magawa ng isang araw nilasog lasog nila ang mura kong katawan. Pinilit nilang iwalay ang sarili ko sa bahay bata kong sinisilungan. Linya ng buhay, nalagot na ng tuluyan....
Ahhh, mas masarap nga yata mamahinga na lang ng tuluyan. At least sa bahay ni bathala, mayroon akong kalalagyan..... Sa kabila ng lahat....... Mahal ko kayo aking nanay at tatay............ sa kabilang buhay ako ay maghihintay...... |
|
shit happens!

Number of posts: 195 Registration date: 2007-06-03
 | Subject: Re: Bata.....Bata pano ka ginawa Thu Jun 07, 2007 10:45 am | |
|  |
|