Holy Cross Academy of Sasa Batch '88

where holies and un-holies converge
 
HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  UsergroupsUsergroups  Log in  

Share | 
 

 Bata.....Bata pano ka ginawa

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
spyro_davao



Number of posts : 47
Registration date : 2007-06-06

PostSubject: Bata.....Bata pano ka ginawa   Thu Jun 07, 2007 11:25 am

Nagsimula daw ang buhay ko nung nagkita ang punla ng
aking itay at ang itlog mula sa obaryo ni nanay....



Ang saya siguro ng pakiramdam ng dalawang magulang ko. Imagine, naging katuwang
sila ng Diyos upang makapag luwal ng panibagong buhay? Palagay ko sila ay labis
na nagmamahalan...



Bakit kaya paglipas ng dalawang buwan, naramdaman ko sumasama ang paligid ko?
Hindi ko man marinig, nararamdaman ko ang panangis ni inay. Nasaan kaya si
tatay sa mga sandaling ito? Hindi ba dapat magkatuwang sila sa panahon ng
lumbay ni nanay? Subalit, may maliit na boses na pilit sumasagi sa munting isip
ko, hindi kaya si tatay ang dahilan ng panangis ni nanay? Nasaan si lolo at si
lola ko? Bakit hindi ko yata nararamdaman ang tuwa ni tito at tita ko? Hindi ba
dapat may kaakibat na saya ang pagdating ko sa mundong ito?



Lumipas pa ang isang buwan ng pighati, naranasan ng aking murang puso kung
paano masaktan mula sa kamay mismo ng aking magulang. Minumura nya ako sa
kanyang isipan, ramdam na ramdam ko ang kanyang suklam. Ano nga ba ang aking
sala? Masama pala ang maghangad na masilayan ko ang sikat ng araw, ang mayakap
ng aking inay sa kanyang kandungan, ang mangarap na pagpalain ng kanyang dibdib
ng buhay?...



Alam ng Diyos, sinubukan kong lumaban upang mabuhay. Nilabanan ko ang sakit sa
katawan na dulot ng likido at gamot na ininom ng aking nanay. Sa bawat latay na
dulot ng damo na bigay Aling Tinay, ni minsan magdamdam ay hindi pumasok sa
aking isipan.



Ngunit, may hangganan din pala ang aking kakayahan. Wala akong magawa ng isang
araw nilasog lasog nila ang mura kong katawan. Pinilit nilang iwalay ang sarili
ko sa bahay bata kong sinisilungan. Linya ng buhay, nalagot na ng tuluyan....



Ahhh, mas masarap nga yata mamahinga na lang ng tuluyan. At least sa bahay ni
bathala, mayroon akong kalalagyan..... Sa kabila ng lahat....... Mahal ko kayo
aking nanay at tatay............ sa kabilang buhay ako ay maghihintay......
Back to top Go down
View user profile http://www.spyrodavao.blogspot.com/
shit happens!



Number of posts : 230
Registration date : 2007-06-03

PostSubject: Re: Bata.....Bata pano ka ginawa   Thu Jun 07, 2007 11:45 am

Sad Sad Sad
Back to top Go down
View user profile
 
Bata.....Bata pano ka ginawa
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Desh Ki Beta Nandini - 28th February 2014 - Written Update
» Eye of the beholder: The Examination [Story]
» E24- Shuru Hui Anshuman Pakhi Ki Prem Kahani 18 eb 2
» Khudaya-the song played today--10th April-Beintehaa
» Dooriyan.....lines of separation!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Holy Cross Academy of Sasa Batch '88 :: Humor and Fun-
Jump to: